Malugod kong binabati ang Sandigan sa paglulunsad nitong Domestic Workers Handbook. Muli ay naisakatuparan ng inyong samahan ang isang natatangi o pioneering project na ang pangunahing layunin ay maitaguyod ang kapakanan ng ating mga domestic workers.
Noon pa man ay kinailangan na ng mga OFWs ang tama at pinakabagong mga datus at impomasyon patungkol sa kanilang dapat gawin bago pa man umalis ng ating bansa; ang kanilang mga karapatan pati na ng kanilang mga tungkulin bilang manggagawa; at kung sinong maaaring tawagan o lapitan sa panahon ng kagipitan o kahit man lang may nais silang malaman.
Ang isang tao na salat o kulang sa tamang impormasyon ay para na ring bulag dahil hindi niya alam ang gagawing sumunod na hakbang o ang tamang landas natatahakin. Malungkot mang sabihin ay ito ang kalagayan ng ilan sa ating mga OFW, lalo na ang mga domestic workers.
Ang handbook na ito ay pinupunan ang maraming kakulangan sa impormasyon ng ating mga domestic workers. Gayunpaman, umaasa ako na hindi ito ang una at huling edition ng handbook. Sa pagkakaroon ng mga bagong impormasyon at sa pagbabago ng mga patakarang itatakda ng mga ahensya ng pamahalaan ng Kuwait at Pilipinas sa hinaharap, magkakaroon ng pangangailangan na baguhin ang nilalaman nito. Maaari rin namang magkaroon ng internet edition ang handbook upang mailagay
agad ang dapat baguhin, idagdag o alisin.
Ako ay madaliang lumisan ng Kuwait nguni’t ang alaala ng mga Pilipino roon na nagtutulungan, nagsasama-sama at nagpupunyagi upang matulungan at maiangat ang bawa’t isa ay hindi mapapawi ng panahon.
Renato P.O. Villa
Department of Foreign Affairs
Pasay City, Philippines
Message sent via email Jun 20, 2018, 11:10 AM AST